"BUHAY SENIOR HIGH SCHOOL"

"BUHAY SENIOR HIGH SCHOOL"


Ang buhay bilang isang mag-aaral na Senior High School ay isa sa pinaka-memorable na parte ng aking buhay. Madaming masasayang naganap sa aking buhay ay mayroon ding iba't-ibang problema ang kinaharap.

 Mapanghamon, ganyan ko masasabi ang buhay ng Senior High School. Madami akong naranasan ngunit dito ko masasabi na ito rin ang unti-unting humubog sa aking pagkatao dahil sa mga iba't-ibang bagay na aking natutunan. Minsan darating din talaga sa punto na parang susuko na ako sa sobrang dami ng mga gawain sa paaralan at dahil na rin sa sabay-sabay at sunod-sunod na quizzes, homeworks, projects, at presentations. Isama mo na rin ang research namin tapos magkakaroon pa kami ng defense na sobrang nakakakaba at nakakapressure. Yung tipong di mo alam kung paano mo sisimulan at di mo alam kung anong dapat gawin. Sa totoo lang masasabi kong ang Senior High School ay  hindi dapat pa-easy-easy pero alam ko na sa huli magiging maganda din ang kalalabasan kung tayo'y magsusumikap. 

Sa ngayon, malapit ng matapos ang unang taon ng pagiging Senior High School ko bilang mag-aaral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) dito sa Arnedo National High School (ANHS), sa susunod na school year panibagong yugto na naman ng buhay ko sa Senior High School. Magkakaroon na naman ng panibagong hamon sa buhay ko.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pagbabago