Pagbabago

"Pagbabago"

hallelujah.co.ke

Masasabing ang buhay ay puno ng pagbabago, lahat pwedeng magbago, "walang permanente" sabi nga nila. Yung mga bagay na inaakala mo hanggang dulo na ay pansamantala lang pala. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa hinaharap, walang kasiguraduhan.

Isang bagay lang ang masasabi ko tungkol sa pagbabago na dapat tignan natin ito na isang pagsubok at maaring magbunga ng maganda pagdating ng panahon. Isang pagsubok na nararapat tanggapin sa ating buhay. Kasi di naman talaga natin alam kung anong pwedeng mangayari, wala tayong alam sa tinatawag nating "future" wala naman kasing sigurado sa mundong 'to. 

Maniwala ka na lang na may magandang plano para sayo ang Itaas. Sabi nga dati ng aking isang guro "We need to learn the art of letting go and letting in".Dapat tanggapin natin na lahat ng magbabago, tanggapin na di lahat mananatili. Pwedeng ipaglaban, pero di pwedeng pagpilitan. Kasi hindi naman natin maipipilit ang mundo na dapat walang magbago. Lagi na lang natin ilagay sa isip na lahat nagbabago at walang sigurado ang kailangan mo lang maniwala.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"BUHAY SENIOR HIGH SCHOOL"